"Alam mo bang galit ako sa'yo?"

Oo, alam kong galit ka sakin.

Ikaw, alam mo ba na hindi ako galit sa'yo?

Siguro asar, o pikon, o kaya nalulungkot. Pero magalit? Nang ganyan katagal? Sa isang napakaliit na bagay?

Kahit na marami akong ayaw sa'yo.

Kahit na nasaktan mo ako.

Kahit na nasasakal ako sayo.

Nagkalat dito sa blog ko ang lahat ng hindi ko gusto sa'yo.

At naasar lang ako. Hindi ako nagalit.

Nalungkot lang ako. Hindi ako nagalit.

Nawalan lang ako ng pag-asa. Pero hindi ako nagalit.

Kaya sana tumigil ka na sa kaartehan mo, at sa kabastusan mo.

Pag ikaw ang may atraso sakin, at kinakausap mo ako, hindi kita binabara ng "Alam mo bang galit ako sa'yo?" Hindi na kasi tinatanong yon. Hindi naman ako manhid o bobo.

Ikaw, tatanungin ko ulit, alam mo bang hindi ako galit sa'yo?

Mukhang alam ko naman ang sagot mo.

Nakikita ko naman sa pagtrato mo...

No comments

Post a Comment